Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!


My Family Background

Sabi nga nila na “The family is God's greatest Masterpiece “. Eto ang aming pamilya, ang aking nanay na si Ma. Laarni Amparo ang taga badyet ng mga gastusin sa bahay samantalang ang aking ama naman na si Alex Amparo ang taga kayod para sa amin. Ang aming panganay naman na si Aldrin D. Amparo ang tagaturo sakin ng mga bagong kaalaman sa computer at ang aking ate naman na si Angelica joy Amparo ang pinakamagandang babae sa aming pamilya pero syempre kasama parin si mama. 

Kahit na palagi kaming nag-aaway ng aking mga kapatid ay hindi naming ito pinatatagal ng isa o dalawang araw. Sila rin ang tinuturing kong mga bestfriends dahil sinasabi ko sa kanila ang lahat ng aking sikreto. Pagdating naman sa aking ama ay kailangan ng agarang kilos dahil ayaw niya ng pabagal-bagal at kailangan kapag may sinabi siya sayo hindi niya na dapat pang ulitin dahil kung hindi ay makakatikim ka sa kanya, ngunit sa kabilang banda ay mabait at maalaga rin siyang ama sa amin. Ang aking ina naman ay ang tagapagligtas namin; kapag walang baon, siya ang sagot, kapag may nangaway sa amin siya ang tagapagtanggol, kapag walang ulam, siya rin ang sagot. Bilang isang pamilya may kaniya-kaniya rin kaming mga gawain sa bahay. Si papa ang tagapagluto, Si mama ang designer ng bahay, Si kuya ang taga-ayos ng computer,charger,atbp., si ate ang taga-utos at ako naman ang tagasunod sa lahat ng utos niya. 

Kung minsan ay hirap sa buhay ngunit kapag sama-sama kami lahat ay aming natutugunan. Kaya mas gugustuhin kong kumpleto an gaming pamilya kahit kapos sa pera kesa sa marami ngang pera pero hindi naman kumpleto.